Kapangyarihan ng AI para sa mas pinasiglang pagkakalabawan

 

Problema ngayon sa sektor ng paghahayupan ang mababang kahusayan sa artificial insemination (AI). Kung magpapatuloy ito, malabo nang tumaas pa ang produksyon ng gatas sa bansa. Nguni't huwag mabahala dahil may mga bago tayong ka-AI-bigan na aaksyon gamit ang taglay na kapangyarihan ng AI—si Super KAI at ang mga AI technicians.

Base sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority, nasa 2.7 milyon ang kalabaw sa Pilipinas na ginagamit sa lakas pantrabaho, gatas, karne, at balat. Mula 2019 hanggang 2023, naglalaro lang sa 27,000 na bulo ang naipapanganak kada taon, mas kaunti kumpara sa bilang ng kalabaw na kinakatay. Ayon kay DA-PCC National AI and Bull Entrustment Coordinator Dr. Edwin Atabay, ang mababang bilang na ito ay dahil sa kakaunting gatasang kalabaw na ipinanganak gamit ang AI o natural mating, mahabang calving interval dahil sa postpartum anestrous, at kakulangan sa pakain lalo na sa panahon ng tag-init.

sa ring malaking balakid ng industriya ng pagkakalabawan ang mababang kahusayan sa AI na naglalaro lamang sa 28% na efficiency mula 2019 hanggang 2023. Kahit tumataas ang AI services ng ahensya sa limang taong nagdaan, hindi pa rin ito sumasapat sa mababang bilang ng bagong AI technicians at iilan lang din ang tumutuloy sa mga advanced trainings. "Malaking impluwensiya ang kahirapan sa pag-recruit ng mga bagong AI technicians para sumailalim sa maraming pagsasanay," wika ni Dr. Atabay.

Kampanya

Ang OMK! o Oh, mAI Kalabaw! Campaign ay isang proyektong isinasagawa ng Strategic Communication Section ng Knowledge Management Division (KMD) upang palaganapin ang Carabao Upgrading Program ng DA-PCC gamit ang AI para pataasin ang populasyon ng mga kalabaw na may mataas na lahi.

Ang AI ay isang paraan ng pagpapalahi ng kalabaw, na isinasagawa ng isang sinanay na technician, kung saan ang semilya ay idinedeposito o inilalagay sa bungad ng matres ng inahing kalabaw sa pamamagitan ng instrumento at hindi sa tulong ng bulugan. Isa itong pamamaraan upang mas maparami ang mga kalabaw na nagtataglay ng magagandang katangian.

Ayon kay Rowena Galang, ang program director ng OMK! Campaign at officer-in-charge ng Knowledge Management Division, ginawa ang kampanyang ito upang mapalaganap ang serbisyo ng AI. "Sa pamamagitan ng OMK! Campaign, gusto natin na malawakang ipakilala sa buong Pilipinas ang kapangyarihan ng AI," sabi ni Galang.

Layunin ng kampanya na mapataas ang pagpapahalaga sa serbisyong AI at maparami ang mga nakikilahok sa Carabao Upgrading Program. Hangarin pa rin ng programa na maparami ang mga AI technicians at idokumento ang mga pinakamahuhusay na kasanayan para sa matagumpay na serbisyo ng AI.

"Ang OMK! campaign ay sumisimbolo sa commitment ng DA-PCC na i-professionalize BILANG NG BULO NA KALABAW SA PILIPINAS (2023) ARTIFICIAL INSEMINATION EFFICIENCY (2023) BILANG NG AKTIBONG AI TECHNICIANS PILOT SITES 24.6% 30,844 982 ang AI bilang mapagkukunan ng kita sa pamamagitan ng pagpapalawig at pagpapaunlad ng lahi ng kalabaw," ani DAPCC Executive Director Dr. Liza Battad. Sinuportahan din ni Mayor Tito Mayo ng Cuertero, Capiz ang epekto ng AI sa kanilang komunidad. "Sa kampanya ng DA-PCC, malalaman ng mga tao rito sa Cuartero kung ano ang mga kahalagahan ng artificial insemination. Mawawala rin ang takot nila sa paggamit ng teknolohiya, tulad ng AI, sa pagpaparami ng kalabaw,“ aniya

Binubuo ng tatlong bahagi ang kampanya: ka[AI]alaman, ka[AI] bigan, at ka[AI]saya!

Ang ka[AI]alaman ay isang one stop kiosk na isinusulong ang mga benepisyong pang-ekonomiya at iba pang aspeto ng AI para sa mga may-ari ng kalabaw at mga AI technicians. Tampok sa kiosk ang mga pamamaraan at pinakamahuhusay na kasanayan sa AI gamit ang mga babasahing magbibigay ng mga karagdagang kaalaman sa komunidad.

Mula sa hanay ng mga AI technicians, pipili ng mga magiging ambassador para sa Ka[AI]bigan na naglalayong hikayatin ang mga kalahok na magtanong tungkol sa AI at ipakilala ang mga benepisyong pang-ekonomiya ng nasabing teknolohiya. Kasama sila para talakayin ang mga mabuting kasanayan at benepisyo ng AI. Sila ay magsisilbing eksperto sa on-site na konsultasyon sa mga bagay na may kinalaman sa AI.

Huli, ang Ka[AI]saya! na naghahayag ng mga karanasan ng mga Ka[AI]bigan para makaengganyo ng mga bagong kadre ng AI technicians na magpapalaganap ng mga kaalaman at kasanayan sa AI.

Kasama sa kampanya ang pagbuo rin ang karakter na si Super KAI na magiging simbolo ng kapangyarihan ng AI technician.

"Super KAI is created to be the icon and ambassador of AI technicians. Makapangyarihan ang isang AI technician, at symbolically it is represented by Super KAI," paliwanag ni Galang.

Hinaharap

Tigalawang sites sa tatlong regional centers ang kabilang sa mga pilot sites kung saan isinasagawa ang proyekto: DAPCC sa CSU sa Isabela, DA-PCC sa WVSU sa Iloilo, at DA-PCC sa USM sa Sultan Kudarat. Napili ang mga lugar na hindi pa naaabot ng DA-PCC na may populasyon ng mga kalabaw na breedable sa partisipasyon ng LGU.

Inaasahang na sa susunod na mga taon ay mas marami pang lugar ang maaabot ng kampanya.

Sa huli, hindi lang si Super KAI ang magiging rason ng paglaganap ng kalabaw sa Pilipinas. Sa aksyong dala niya at ng mga bagong AI technicians sa paglaganap ng AI, hindi malabong darating ang Pilipinas sa inaasahang mas lumaki pa ang kontribusyon ng kalabaw sa pagiging food secure ng bansa.

Author

0 Response