Heat stress no more para kay KalaGirl

 

Masaya pa si Kalagirl tuwing mga buwan ng Disyembre, Enero, at Pebrero. Paborito niyang tumambay sa ilalim ng mga puno, magpagala-gala sa damuhan, at lasapin ang malamig na simoy ng hangin.

Nguni’t ang nilalang na ito na may malaking pangangatawan, makapal at maitim na balat, matayog, at nakausling sungay na akala mo'y matapang at walang kinatatakutan ay mayroon palang kahinaan. Nagambala siya nang tumindi ang sikat ni Haring Araw sa kalupaan. Kung maaari lang sanang pahabain ang pagsilip ng buwan upang hindi muna masilayan ang maghapong liwanag ni Haring Araw

Sa dulo ng nagbabagang init sa Pilipinas, kabi-kabilang diskarte ang ginagawa ng mga tao upang maibsan ang mga pinsalang dulot ng init ng panahon. Sa kalagayan ng mga magsasakang nag-aalaga ng hayop, ang panahon ng tag-araw ang isa sa pinakamapaghamong parte ng pag-aalaga.

Noong Mayo 2024, umabot sa 55°C ang heat index sa Pilipinas. Kung malaki ang epekto nito sa mga tao, ganoon din ang nagagawa ng sobrang init sa mga kalabaw lalo na at nakararanas sila ng seasonal breeding at summer infertility na nagdudulot ng mababang cal birth at produksyon ng gatas.

Upang masiguro ang pagiging produktibo ng kalabaw sa panahon ng tag-init, nagsagawa ng pananaliksik ang Research and Development Division ng DA-PCC na pinamagatang, “Development of Climate-Smart Interventions to Enhance Water Buffalo Reproduction in Heat-Stressed Conditions in the Philippines.”

Tinutukoy dito ang mga heat stress responses at thermotolerance ng mga kalabaw sa Luzon upang makapagdevelop ng climatesmart reproductive interventions. Ito ay pinondohan ng DA-Biotech program Office sa pamamagitan ng DA-Bureau of Agricultural Research.

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa pagkilatis kung anong lahi ng kalabaw ang climate-tolerant at pagtukoy sa mga genetic mechanisms na tumutugon sa temperature stress.

Kinakailangan ding suriin ang reproductive at stress hormones upang maunawaan kung paano sila tumugon sa kondisyon ng klima at ng kanilang kapaligiran.

“Kung ang kita ng famers sa dairy ay daily, then I must find ways for that. There should be calves produced year-round for milk to be available year-round too,” saad ng project leader na si Dr. Excel Rio Maylem.

Apat na magkakaibang eksperimento ang isinagawa sa apat na institutional herds ng DA-PCC sa Luzon. Ang mga ito ay sa Cagayan Region (DA-PCC sa Cagayan State University (DA-PCC sa CSU); Ilocos Region (DA-PCC sa Mariano Marcos State University (DA-PCC sa MMSU); Nueva Ecija (DA-PCC National Headquarters and Gene Pool); at Laguna (DA-PCC sa University of the Philippines Los Banos (DAPCC sa UPLB).

Ang mga kalabaw ay galing sa mga magkakaibang lahi, mapa purebred man o crossbred gaya ng Philippine Native, Italian, Bulgarian Murrah, Brazilian, Crossbred, at Philippine Dairy Buffalo.

Sa unang eksperimento, sinukat ng mga researchers ang environmental conditions ng mga farms mula 11-12 am at 3-4 pm sa tatlong magkakasunod na araw.

Kasabay nito, ang mga biological responses tulad ng rectal temperature, respiratory rate, at pulse rate upang patunayan na ang sanhi ng heat stress ay dulot ng sobrang init.

Sa pangalawang eksperimento, nagkaroon ng genotyping ng thermotolerant trait sa mga kalabaw.

Sa pangatlong eksperimento, isang climate-smart reproductive intervention protocol ang binuo at sinubok sa DA-PCC National Gene Pool noong kasagsagan ng summer noong 2023. Ito ay upang masiguro ang kahusayan nito sa pagtaas ng pregnancy rates bago ipagamit sa mga institutional herds ng ahensya.

Ang huli ay ang pagdevelop ng reproductive protocol na babagay sa mainit na panahon, ito ang Timed Artificial Insemination (TAI) summer protocol.

ng sobrang stress, napipilitan ang kanilang katawan na magpakawala ng enerhiya upang mapanatili ang kanilang tamang temperatura. Kaya’t ang enerhiyang nakalaan para sa kanilang reproduction at production ay napupunta sa pagkontrol at pag-angkop sa heat stress.

Batay sa environmental conditions at biological responses ng mga kalabaw na ginamit sa pag-aaral, lumalabas na sila ay nakararanas ng bahagya hanggang matinding heat stress level. Gayunpaman, nagpakita rin sila ng mga senyales ng pag-angkop sa panahon.

Dahil dito, nararapat lamang na hanapin ang mga thermotolerant at adaptive animals sa herd. Ang nabuong reproductive intervention ng Fixed Time AI para sa mga kondisyon ng tag-init ay nagpapataas ng expression ng mga reproductive hormones na responsable para sa pagtaas ng mga follicular size at pagkamit ng pinakamabuting sukat para sa obulasyon.

“Climate change is real. Painit nang painit ang mundo. Kung nahihirapan tayong mga tao, ganun din ang mga kalabaw natin. Kung makahahanap tayo ng mga thermotolerant na animals, at makakapag-provide tayo ng paraan para manatili silang productive kahit papaano sa kabila ng ganitong panahon and environment, malaking bagay na ‘yon for agricultural sufficiency,” pagtatapos ni Dr. Maylem.

Ang proyektong ito ay nakatanggap ng tatlong pagkilala—PSBMB's Best Poster 2023 (Agriculture Category), PhilAAST 3rd Best Poster 2024, at Best Paper in Technology Generation ng NRS-DA BAR noong Oktubre 9, 2024.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nakasisiguro tayo na ang tag-init ay nagiging stress-free kay KalaGirl!

 

 

Author
Author

0 Response