SOA-DBP, muling sumahimpapawid sa Region XI at XII

 

"Mas malawak na information caravan para sa serbisyong kalabaw."

Ito ang layunin ng DA-Philippine Carabao Center sa University of Southern Mindanao (DA-PCC at USM) Center Director Geoffray R. Atok sa paglulunsad ng dalawang School-On-the Air on Dairy Buffalo Production sa lalawigan ng Davao Occidental at Davao del Sur sa Region XI at sa Sarangani Province naman sa Region XII. Nagkaroon ito ng kaganapan dahil sa pakikipagtulungan ng DA-Agricultural Training Institute (DA-ATI) at DA-PCC.

Sa launching episodes ng dalawang programa nitong Hulyo, na umabot sa mahigit 700 ang farmer-enrollees, itinampok ang mga dagdag kaalaman sa pag-aalaga ng kalabaw upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng demand ng gatas at karne sa bansa. 

“I am confident that the 16-episode program will make a positive impact on the lives and livelihood of our carabao farmers. We will be sharing valuable insights, best practices, and expert advice on buffalo production and management. Let’s work together to achieve food security for our nation,” saad ni DA-PCC at USM Center Director Atok. 

Sa Rehiyon XII, iminungkahi ni DA-ATI RTC XII Director Jessie V. Beldia na ang SOA ay isang mahalagang oportunidad para sa mga magsasaka, lalo na ang mga nasa malalayong barangay, upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa programa sa kalabaw at mga kaugnay na serbisyong maaaring kanilang mapakinabangan.

Samantala, hinamon naman ni Dr. Amor Elevazo, Provincial Veterinarian ng Sarangani, ang mga magsasaka na maging mas aktibo sa pagpapalago ng industriya ng gatasang kalabaw sa lalawigan. Ibinahagi niya na noong 2023 ay naitatag na ang Sarangani Dairy Council, na nakatutok sa pangangailangan ng lokal na dairy industry. Sa katunayan, nakapag-request na ang lalawigan ng panibagong gatasang kalabaw bilang suporta sa pagpapataas ng produksyon ng gatas sa lugar.

Sa Region XI, ibinida naman ni Omarbliss Dalam, DA-ATI RTC XI Livestock Focal at kinatawan ni Director Alicia Rose D. Nebreja, na ang programa ay hindi lang nakatuon sa pagpaparami ng gatas ng kalabaw sa rehiyon kundi mapataas din ang produksyon ng karne bilang magandang protein source para sa mga Davaoeño. 

Samantala, pinuri ni DA XI Regional Executive Director Macario D. Gonzaga ang bukas na kaisipan ng mga magsasaka sa pagtanggap ng bagong kaalaman. 

“To our farmers, either you are a conduit of DA-PCC or a proud owner of carabaos. I commend your foresight and eagerness to learn. You are the heart and soul of our industry. Let the airing carry not just information but also inspiration. The dairy buffalo industry hold immense potential for our region,” ani Director Gonzaga. 

Napapakinggan ang SOA-DBP sa Rehiyon XII tuwing Biyernes, 9:00 hanggang 10:00 ng umaga sa MAX News FM 107.1. Sa Region XI naman, napapakinggan ang SOA-DBP sa SPAMAST Radio 96.7 FM, Sky Radio 100.5 FM, at Sky Radio 96.1 FM tuwing 12:00 hangang 1:00 ng hapon.

Author

0 Response