Programa sa 'Angat-Lahi', pagpaparami ng gatasang kalabaw Dec 2017 Karbaw Angat-lahi, pagpaparami ng gatasang kalabaw By Khrizie Evert Padre Pagpapaangat ng lahi ng mga katutubong kalabaw na ang puntirya ay gawing “three-in-one” ang pinakamamahal na hayop na ito ng mga magsasaka. Sa pamamagitan ng paglalahok ng dugo ng mga gatasang kalabaw, nalilikha ang isang uri na bukod sa malakas na pantrabaho, napagkukunan pa ng maraming gatas at ang mga lalake nama’y higit na mas marami ang karne na maibibigay. Angat-lahi Ang katutubong kalabaw kasi ay kilala lamang sa pagiging malakas na kaagapay sa mga gawain sa bukid. Kung may gatas mang ibinibigay, kakaunti lamang. Ang pagpapaangat ng lahi ng katutubong kalabaw upang maging isang “three-in-one” na hayop ay siyang pinakabuod ng layunin ng “genetic improvement program” ng Philippine Carabao Center. Ito’y sa pamamaraang sistematikong pagpili, pagpaparami at patuloy pang pagpapaangat ng lahi ng mga nagreresultang “crossbred” upang lalo pang maging kapapaki-pakinabang para sa mga magsasaka at ang lumalaking hukbo ng mga taong pumapalaot sa mga negosyong nakasalig sa kalabaw. Isa sa mga naging estratehiya sa implementasyon ng programang ito ay ang pag-angkat mula sa ibang bansa ng gatasang water buffalo na siya namang napagkukunan ng mga hene na panlahok sa hene ng katutubong kalabaw. Taong 1995 nang magsimulang umangkat ang PCC ng 459 na gatasang buffalo sa bansang Bulgaria na nasundan ng karagdagang 403 noong 1996. Magkasunod naman ang naging pag-angkat ng 487 at 591 ng gayunding lahi ng taong 1998. Kabilang si Dr. Ester Flores, pinuno ng PCC Genomics and Bioinformatics Division, sa grupo ng mga eksperto mula sa PCC na nanguna sa pagpili ng magandang lahi ng gatasang kalabaw sa ibang bansa sa ginawang pag-aangkat nito. “Nagtakda kami ng mga katangian ng aangkating gatasang kalabaw. Nagsimula kaming maghanap sa bansang India, Italy at Bulgaria at napagdesisyunang sa bansang Bulgaria umangkat dahil bukod sa ito’y ‘‘FMD-free without vaccination’’ ay nakita namin na maganda ang lahi ng kanilang gatasan,”pagbabalik-tanaw ni Dr. Flores. Bukod dito, umangkat din ang grupo ng “frozen semen” mula sa anim na bulugan na “progeny-tested” na mga Bulgarian Murrah buffalo. Ibig sabihi’y dumaan ang mga bulugan sa masusing pagsusuri upang matukoy ang kanilang “breeding value” sa pamamagitan ng kanilang mga naging anak na. Ang mga inangkat na gatasang buffalo ay ikinalat sa mga piling sangay ng ahensya at nagpahiram din sa ilang kooperatiba at ang iba nama’y itinalaga sa national genepool ng PCC na nasa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Ang ganitong pag-aangkat ay nasundan pa ng mga sumunod na taon. Sa pagdating ng mga gatasang buffalo sa bansa, nagsagawa ang ahensya ng sariling “breeding program” na nagbigay-diin sa pagpapaangat pa ng kakayahan ng mga inangkat na mga hayop para sa produksiyon ng higit na mabubuting anak bilang gatasang kalabaw. “Ang mga inangkat na frozen semen ay ginamit sa pagpapalahi sa pamamagitan ng teknik na artificial insemination (AI). Upang matiyak na magiging maganda ang resulta, kinulekta natin ang datos ng produksyon ng gatas ang mga babae nitong anak. Karaniwang inaabot ng pito hanggang walong taon bago malaman kung magandang klase nga ang isang bulugan,” pahayag ni Dr. Flores. Kanyang idinagdag na sadyang ganoon katagal ang progeny testing dahil hihintayin pa na magkaanak muna ang naging anak na babae ng kanilang nalahiang inahin bago ito mapag-aralan saka pa lamang matutukoy ang breeding value ng isang bulugan. Ang breeding value ay hindi direktang malalaman kundi makakalkula lamang base sa kanyang produksyon ng gatas at komposisyon nito at ito ay nangangailangan ng isang genetic evaluation model. Ang mga naging anak naman na bulugan ay napabibilang sa progeny-testing program. “Iyong mga bulugang progeny tested ang ginagamit natin uli ngayon na panglahi sa mga pinakamagagaling nating gatasang kalabaw na bata pa para ‘yong mga magiging anak nila kung lalake ay kukunin natin uli at magiging parte ng mga bagong bulugan na dadaan muli sa progeny testing,” ani Dr. Flores. Taun-taon, anya, ay mayroong kinukuhang bagong bulugan. Karaniwang ito’y anak rin ng mga proven bulls at magagaling na gumatas na kalabaw. Ang sistema na ito ay paikot-ikot lang, dagdag pa niya. Ayon pa sa kanya, malalaman kung magaling ang isang bulugan kung patuloy ang pag-angat ng produksyon ng gatas ng mga nagiging anak nito. Ang kapakinabangan sa mga semilya ng mga magagandang bulugan ay naibababa sa pamamagitan ng AI. Patunay nito ay ang patuloy na pagtaas ng produskyon ng gatas sa mga gatasang kalabaw na naipahiram sa mga kooperatiba na tumatangkilik sa programang nabanggit at maging yaong naitalaga sa mga sangay ng PCC. Sa kasalukuyan, 15 ang pinakamagagaling na isinilang na sa bansa na progeny-tested na bulugan. Ang iba na magagaling din nguni’t hindi na naisama sa hanay ng mga elite bulls ay ipinahihiram sa pamamagitan ng bull loan program. “Ang layunin ng ahensya kung bakit tayo umangkat sa simula ng mga gatasang kalabaw ay upang magkaroon tayo ng magandang lahi ng gatasan na maaari natin pakinabangan at pag-igihin pa. Hindi kasi tayo palagiang makapag-aangkat ng lahing gatasan kung kaya’t mas mainam na magkaroon tayo ng ating sariling gatasang kalabaw. Ito ay mabuti rin dahil mas sanay na ang mga ipinanganak dito na may lahing gatasang buffalo,” saad ni Dr. Flores. Dagdag pa niya, ang stock infusion ay ang pinakamabilis na paraan sa pagpaparami ng lahing gatasan pero dahil limitado lang ang maaangkat, pinaigting na lamang ang AI program. Sa pamamagitan ng programang ito, napararami rin ang gatasang kalabaw kahit na may katagalan ang proseso nito lalo na kung sa ilalim ng pamamaraang crossbreeding. Dahil dito, malaki ang katipiran hambing sa pag-aangkat. Sa kasalukuyan, mas pinaiigting pa ng ahensya ang breeding program nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang breeding registry na kung saan ang mga gatasang kalabaw ay nagkakaroon ng isang web-based database na maaaring makita ang mga datos tulad ng estimated breeding value, milk production at ang rekord ng mga magulang nito. Sa sistemang ito, ang mga pribadong indibiduwal ay magaganyak na lumahok sa pagpapatala ng kanilang mga alagang kalabaw. Ang tala ng kanilang mga kalabaw ay makikita online. “Ang kagandahan sa pagsali sa breeding registry ay magkakaroon sila ng access sa magagandang lahi ng bulugan sa pagpapabuti ng lahi ng kanilang gatasang kalabaw. Makikita nila agad kung maganda ang performance ng kalabaw at masisiyasat din kung ang isang kalabaw ay napalahian gamit ang AI dahil ito’y nakatala nga sa database,” ani Dr. Flores. Dagdag pa niya: “Kung may duda sa pinanggalingan ng kalabaw na nais bilhin, magsasagawa ng pedigree verification sa pamamagitan ng laboratory testing.”
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.