Gatas at karne ng kalabaw, patok sa panlasang pinoy Sep 2019 Karbaw Sagat Crust Food Haus, fastfood chains, Noel Oribello By Khrizie Evert Padre Sadyang hilig na ng mga Pinoy ang kumain paminsan-minsan sa mga restaurants para tumikim ng bagong putahe at makaranas ng ibang “ambience” sa kainan. Kung kaya’t kahit saan ka man lumingon sa kahit saang lugar ay may kainan kang matatagpuan mula sa mga simpleng karinderya hanggang sa mga naglalakihang fastfood chains. Gayunpaman, hinahanap-hanap pa rin ng karamihan ang “lutong bahay” na mga putahe at serbisyo na parang nasa bahay lang ang pakiramdam at pag-aasikaso. Sagat Crust Food Haus Dito nabuo ang konsepto ni Noel Oribello, may-ari ng Sagat Crust Food Haus sa pagtatayo ng kanyang sariling negosyo. Gamit ang lumang bahay na kanyang binili mula pa sa San Fernando, La Union upang gawing kainan, sinimulan niyang magluto ng mga putaheng patok sa panlasa ng Pinoy. Taong 2015 nang pasimulan ni Oribello ang Sagat Crust Food Haus, na matatagpuan sa kahabaan ng National Highway ng Amlang, sa Rosario, La Union. Ang pangalan na “Sagat” ay katumbas ng salitang Molave na isang puno sa wikang Ilokano habang ang “Crust” naman ay mula sa mga pagkain na kanilang ginagawa tulad ng pizza at empanada. Kagya’t na mapapansin ng mga dumaraan sa lugar ang lumang bahay na ginawang bukas na espasyong kainan dahil sa mga kakaibang antigong gamit at palamuti na inadorno upang bumagay sa tema nitong makaluma. Ang ilalim ng lumang bahay na pinostehan gamit ang mga makakapal na lumang kahoy ang nagsisilbing kainan ng lugar. Ibinagay din ang mga mahahabang antigong kahoy na nagsisilbing hapag-kainan ng kanilang mga customers. Ayon kay Oribello, bata pa lamang ay kinagisnan na niya ang pagluluto ng iba’t ibang putahe ng kanyang ina dahil sa pagkakaroon nila ng isang maliit na karinderya sa loob ng kampo ng Philippine Navy kung saan ay dating nagtatrabaho bilang isang sundalo ang kaniyang ama. “Pinanonood ko lang ang aking nanay sa kanyang pagluluto noon. Huli ko nang napag-alaman na may talento rin pala ako sa pagluluto. Malayo man sa tinapos ko na kursong Bachelor of Arts in Political Science ay hindi ito naging hadlang upang maituloy ko ang pangarap ko na magkaroon ng sarili kong negosyo na kainan,” saad niya. “Naisip ko na kung magtatayo ako ng negosyong kainan, kailangang sapat ang aking kaalaman sa pagluluto kung kaya’t kumuha ako ng maikling kurso ng Culinary Arts sa isang local school sa La Union noong 2007,” dagdag pa niya. Naging popular ang Sagat Crust sa kanilang mga home-baked pizza na sinangkapan niya ng mga kakaibang flavors gamit ang orihinal nilang recipe tulad ng Pork Asado at Chicken Inasal na iniluluto sa pugon. Ang kanilang sariling bersyon na empanada na may palaman na Chicken at Tuna na pagpipilian at iba’t ibang Pancit tulad ng Mixed Seafood and Chicken Pancit, Chicken Pancit at Chicken Special Mami ay sumikat din. Kabilang din sa kanilang menu ang paboritong meryenda ng mga pinoy, ang tradisyunal na halo-halo na mas lalong pinasarap dahil sa espesyal nitong sangkap na gatas ng kalabaw. Pumatok ito sa panlasa ng kanyang mga customers at paulit-ulit na binabalikan. “Nagkaroon ako ng ideya na gamitin ang gatas ng kalabaw sa halo-halo dahil isa sa aming mga parokyano ang PCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University. Simula noon ay tinulungan na nila akong makakuha ng gatas ng kalabaw sa isa sa mga kooperatiba na kanilang inaasistehan, ang Rosario Dairy Cooperative ng Rosario, La Union,” aniya pa. Dahil sa dumarami ang tumatangkilik sa Sagat Crust, naisipan niyang magdagdag pa ng mga panibagong putahe tulad ng tapa, hamburger at shawarma. Upang maging iba sa karamihan, gumamit siya ng karneng kalabaw bilang pangunahin nitong sangkap. “Bihira lamang ang nakakakain talaga ng karne ng kalabaw kung kaya’t para maiba ang aming mga putahe ay gumamit kami nito, bukod sa mas mura kumpara sa karne ng baka, ay malinamnam din ito. Kinawilihan ng aming mga customers ang shawarma, tapa at hamburger at ngayon nga ang lahat ng ito ay mabenta,” saad ni Oribello. Ayon sa kanya, nasa pito hanggang sa 10 kilo ng karneng kalabaw ang kanilang nagagamit kada linggo para sa tatlong putaheng nabanggit. Karaniwan niyang hinahango ang nabibiling karne mula sa lokal na pamilihan nguni’t karamihan sa suplay ng karneng kalabaw ng palengke ay nagmumula pa sa Mangaldan Slaughterhouse ng Mangaldan, Pangasinan. “Ako mismo ang namamalengke ng mga karneng ginagamit namin. Alas-otso pa lamang ng gabi ay nandoon na ako para makapamili ng magandang parte ng karne. Karaniwang lomo ang pinipili ko dahil ito ang pinakamalambot na parte ng kalabaw pero may kamahalan ang presyo, gayunpaman kahit anong parte ay nagagamit naman namin sa pagkain na aming niluluto”, ani Oribello. Aniya pa, madaling malaman ang magandang klase ng karne na gagamitin base sa kulay nito. Kapag mapusyaw na pula ang kulay ng karne ay mula sa kinatay na batang kalabaw na mas mainam gamitin dahil hindi ito malitid. Dahil na rin sa tabing-daan lamang matatagpuan ang lokasyon ng Sagat Crust, karamihan sa kanyang parukyano ay mga turista, biyahero at mga naglalakbay papuntang Baguio, Ilocos Norte at Ilocos Sur. Karaniwan silang bukas mula alas-siyete ng umaga hanggang ala-sais ng gabi. Si Oribello mismo ang personal na naghahanda ng mga putahe na inoorder sa kanyang pwesto katulong ang isa niyang pamangkin na naturuan na niya at walo pang mga tauhan. Sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI), nabibigyan ng libreng pagsasanay ang kanyang mga tauhan gaya ng kung paano makapaghahatid ng magandang kalidad na serbisyo sa mga customers. Kabilang rin si Oribello sa isa sa mga napiling kabahagi ng programang Kapatid Mentor Me program ng DTI na kung saan ay tinutulungan na mapaunlad ang mga micro and small enterprises sa buong bansa. Para naman sa mga nagnanais magsimula ng negosyo, ganito ang kanyang payo na ibinase sa kanyang karanasan: “Kailangang nandoon ang interes at passion sa gagawin mo lalo na kung nagsisimula ka pa lamang. Para sa akin, masarap sa pakiramdam na kahit hindi ganoon kalaki ang kita basta nakikita kong nasisiyahan ang aming mga parukyano sa mga inihahain namin ay kuntento na ako. Kung aangat man ako sa negosyong ito, gusto ko na kasabay ko sa pag-unlad ang mga tao ko.”
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.