Tagumpay sa paggawa ng tinapay Jun 2021 Karbaw By Khrizie Evert Padre Baking, teaching at learning- yan ang tatlong pinakamahahalagang sangkap na taglay ni Lea Irish Salazar, 53, may-ari ng Baking Ma’am Food House, sa pagtataguyod ng kaniyang munting negosyo. Bagama’t nahirapan sa umpisa, pinagsumikapan niya itong palaguin at hindi natakot sumugal sa kabila ng pandemyang kinakaharap. “Kapag gusto mo ang ginagawa mo kahit anong hirap pa ‘yan, kahit anong pagod, may halaga yan lahat lalo na kapag nakikita mo nang tinatangkilik ng tao ang mga gawa mong produkto. Sabi nga ng mister ko, nagpapakapagod lang ako pagkatapos ay uuwi ako na masakit ang likod. Pero pag-uwi ko naman, kinakain naman nilang lahat ang gawa ko. Kasama sa pagnenegosyo ang dedication at commitment, hindi pwedeng sa umpisa lang magaling, kailangan tuluy-tuloy ito habang tumatagal. Sabayan mo ng sipag at panalangin sa Diyos, tiyak ang saya mo habang nakikita mong ikaw ay umaasenso.” - Lea Irish Salazar Pagsisimula Taong 2015 nang magdesisyon si Lea na mag-aral ng Bread and Pastry Production NC II sa TESDA sa Guimba habang ginagampanan ang propesyon nya bilang isang guro sa Bacal II, Talavera, Nueva Ecija. Sa pagtatapos niya ng maiksing kurso ng baking sa TESDA, bumukas naman ang bagong oportunidad para kay Lea na makalipat sa isang senior high school sa Science City of Muñoz, ang karatig-bayan ng Talavera. “Nagkaroon ng job opening ang senior high school noong 2016 at hindi ko inaasahan na nakatulong ang natapos ko na kursong Bread and Pastry Production NC II upang makapasok bilang isang guro sa Science at Bread and Pastry para sa Technology for Teaching and Learning,“ pagkukwento ni Lea. Hindi naging madali ang pagsisimula niya sa pagtuturo ng baking dahil sa kakulangan ng kagamitan ng eskwelahan. Sa kaniyang pagpupursige at sariling pera ay unti-unti siyang nakaipon ng kagamitan para rito. “Mula Lunes hanggang Huwebes ako nagtuturo, pagdating ng Biyernes ay magbe-bake naman kami. Dala-dala ko ‘yong mga gamit sa barangay kung saan ako nagtuturo. Kusa ko itong ipinapahiram dahil gusto ko na matuto ang mga bata na walang hinihinging kapalit. Mula rin sa sarili kong bulsa nanggagaling ang pambili ng mga sangkap na ginagamit namin sa pagbe-bake. Bukod sa paggawa ng tinapay ay tinuruan ko rin sila ng tamang pagpe-presyo sa mga ito,” dagdag ni Lea. Nagpatuloy sa pagpupundar ng mga kagamitan si Lea para sa kaniyang klase na Bread and Pastry at bago nga mangyari ang pandemya ay nagawa na niyang makaipon ng mga kagamitan para sa pagbe-bake. Kalaunan ay nagkaroon na rin ng sariling kagamitan ang eskwelahan na kaniyang pinagtuturuan. Dahil dito ay nag-isip ng paraan si Lea kung paano pa mapakikinabangan ang mga kagamitang naipon nya sa pagbe-bake. “Sadyang hilig ko ang pagkain ng Sylvanas at lagi akong bumibili nito. Naisip ko, bakit hindi ako gumawa ng sarili kong bersyon at gawin itong kakaiba sa lahat ng nabibili rito sa aming lugar. Napag-alaman ko na ang Sylvanas pala ay may cashew nuts at hindi nalalayo sa Sans Rival. Nag-isip pa ako kung paano ko maiaangat ang produkto ko gamit ang mga sangkap na mabibili lang dito sa lokal na pamilihan at makatutulong sa iba, lalo na sa mga magsasaka. Doon ko na naisipang gamitin ang gatas ng kalabaw sa paggawa ng Sylvanas,” saad ni Lea. Taong 2017 nang simulan ni Lea ang pag-aaral at paggawa ng sariling Sylvanas recipe gamit ang gatas ng kalabaw bilang pangunahing sangkap para sa filling. Katulong niya ang kaniyang dalawang anak sa pagtikim at pagbibigay suhestiyon kung paano mapabubuti ang lasa at texture nito. Ilang ulit din niyang sinubukan hanggang sa tuluyan na niyang makuha ang tamang timpla. Tinawag niya itong Milkyvannas. Ang French buttercream nito ay hinaluan ng gatas ng kalabaw na mas nagpalasa at nagpalinamnam pa sa kaniyang bersyon ng Sylvanas na mas pinasarap pa dahil sa ibinudbod na dinurog na cashew nuts at graham crackers. Hamon sa pagnenegosyo Bago nakamit ang tamis ng asenso ay nakaranas muna si Lea ng mga pagsubok sa pagpapakilala ng kaniyang produkto. Isa sa mga nauna niyang reseller ay hindi naging maayos ang pagbabayad sa mga nakuha nitong produkto sa kaniya. Ang sumunod naman na kaniyang sinuplayan ay lumipat sa iba dahil sa mas mura raw ang paninda. Gayunpaman, sa kabila ng mga naranasan ay mas lalo siyang nagpursige na makahanap ng mga bagong pwedeng pag-suplayan ng kaniyang Milkyvannas. Taong 2019 ay nabigyan ng pagkakataon na makapagsuplay si Lea ng kaniyang produkto sa Dairy Box Delicatessen na matatagpuan sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija at sa Gracias Kambingan sa Victoria, Tarlac. Nguni’t dahil din sa pagdating ng pandemya noong nakaraang taon ay ibinalik ang kaniyang mga produkto na Milkyvannas dahil hindi na maibenta na siya ring naging dahilan ng paghinto ng kaniyang produksyon sa loob ng dalawang buwan. Nanumbalik lamang ito noong Mayo 2020 na kung saan ay kada ikalawang linggo kung siya ay magsuplay sa mga ito. Tulad ng naunang karanasan, sinubok muli ang kaniyang katatagan sa pagnenegosyo pero hindi naging rason ito upang panghinaan ng loob si Lea. “Ang dami ko na palang pinagdaanan. Sabi ko sa sarili ko: kung titigil ako ngayon, paano ako makakabawi?” ani Leah. Bagong yugto Kung mayroon mang pintuan na nagsara ay tiyak naman na mayroon ding magbubukas. Enero 2021 ay naging isa siya sa mga napiling suppliers ng produktong gawa sa Nueva Ecija sa kabubukas na DOST One-Stop Shop na matatagpuan sa Central Luzon State University sa Science City of Muñoz. Kasunod nito ay naging reseller din niya ang El Kapitan Kambingan na matatagpuan sa by-pass road sa Talavera. Dahil na rin sa pagiging malikhain at pagkakaroon talaga ng passion sa baking, lumikha naman siya ng iba’t ibang tinapay at pizza na ang dough ay may gatas ng kalabaw at lahat ng ito ay na-develop niya sa kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya. “IIsa lang timpla ng mga tinapay. Nagkakaiba-iba lang siya sa mga dinadagdag na flavors. Tulad ng Pork Floss buns, gawa sa gatas ng kalabaw ang malambot nitong tinapay na may mayonnaise bilang bread spread nito at may pork floss toppings. Ang Spring In the City naman ay ganoon din, ang pagkakaiba lang ay sa toppings nito na may spring onion, grated carrots, red bell pepper at binudburan ng sesame seeds. Lalo itong pinasarap dahil nilagyan ko rin ng pork floss ang magkabilang dulo nito,” dagdag ni Lea. Kamakailan lamang ay ipinakilala ni Lea ang kaniyang mga nilikhang produkto na may gatas ng kalabaw kay Dr. Ronnie D. Domingo, OIC Executive Director ng DA-Philippine Carabao Center. Itinampok niya sa grupo ng mga opisyal ng DA-PCC ang kaniyang iba’t ibang uri ng produkto. Nangunguna dito ang Milkyvannas at Bun de Leche o Milky Buns. Ang Bun de Leche ay isang malambot na tinapay na may palaman sa loob na may halong gatas ng kalabaw at maihahalintulad sa sikat na pastel bread ng Cagayan de Oro. Kabilang din ang kaniyang Pork Floss buns at Spring In The City sa kaniyang ipinatikim. Mayroon din siyang dinebelop na Korean Cream Cheese na may cream cheese filling at garlic butter para sa kaniyang mga parokyano na mga Koreano. Ang Cheesy Garlic Bread ay lalong pinasarap dahil sa toppings nito na minced garlic, butter, grated cheese at sprinkled onion leaves o dried crushed parsley. Bukod pa rito ay mayroon din siyang gawang cheese bread stick, sausage roll, tuna melt, ube crown o ube twist bread, mongo roll, tuna melts, pandesiosa at dinner rolls. Itinampok din niya ang kaniyang Milky Pizza na ginamitan ng gatas ng kalabaw ang pizza crust at white sauce nito. May apat na flavors ang kaniyang produktong pizza: pepperoni, ham and cheese, Hawaiian at overload flavors. Mabibili ang tatlong pirasong 9-inch pizza sa halagang PHP333. “Kapag gusto mo ang ginagawa mo kahit anong hirap pa ‘yan, kahit anong pagod, may halaga yan lahat lalo na kapag nakikita mo nang tinatangkilik ng tao ang mga gawa mong produkto. Sabi nga ng mister ko, nagpapakapagod lang ako pagkatapos ay uuwi ako na masakit ang likod. Pero pag-uwi ko naman, kinakain naman nilang lahat ang gawa ko. Kasama sa pagnenegosyo ang dedication at commitment, hindi pwedeng sa umpisa lang magaling, kailangan tuluy-tuloy ito habang tumatagal. Sabayan mo ng sipag at panalangin sa Diyos, tiyak ang saya mo habang nakikita mong ikaw ay umaasenso,” pagtatapos ni Lea.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.