Gatas ng Kalabaw cake, Tampok na produkto ng Ka Tunying’s Café Dec 2021 Karbaw Ka Tunying, Gatas ng kalabaw cake, Anthony Taberna By Khrizie Evert Padre Ang gatas ng kalabaw ay hindi lamang masustansyang inumin, ito ay nagpapasarap din sa anumang pagkain. Kumpara sa ibang gatas, ito ay mas makrema at malinamnam. Ang gatas ng kalabaw cake ay kabilang sa Ka Tunying’s cake creations na may Pinoy-style flavors na patok sa mga mamimili. Sa paggawa ng mga panghimagas, isa ang gatas ng kalabaw sa mga sangkap na maaaring makapagpasarap pa rito. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Department of Agriculture-Philippine Carabao Center, mas pinasasarap pa ng gatas ng kalabaw ang anumang pagkain dahil sa mataas na fat at protein content na taglay nito. Nguni’t para kay Anthony Taberna, Jr. o mas kilala sa tawag na Ka Tunying na isang batikang broadcast journalist, ang gatas ng kalabaw, bukod sa sustansyang dulot nito, ay may mahalagang kwento at kahulugan sa kanilang buhay simula noong kanyang pagkabata pa. Pang-apat sa pitong magkakapatid, si Ka Tunying ay ipinanganak sa San Antonio, Nueva Ecija. Bagama’t sila ay maituturing na lumaki sa pagsasaka, wala naman silang maituturing na sariling lupang sinasaka. “Sa probinsya ng Nueva Ecija, kapag ikaw ay isang magsasaka ay nagmamay-ari ka ng kalabaw. Kami ay lahi ng magsasaka nguni’t hindi katulad ng ibang magsasaka na nakatira halos sa bukid. Ang tatay ko na si Anthony Taberna Sr., isang bus driver, ay naisipang magsaka. Nagsimula siya sa pagsasaka sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga sanlang bukid tuwing anihan,” pagkukwento ni Ka Tunying. “Di’ kalaunan ay nakatanggap kami ng lalake at babaeng kalabaw mula sa Carabao Dispersal Program sa aming bayan. Ang bulugan ay pinangalanan naming “Robot” habang ang babaeng kalabaw naman ay “Nora”. Noong ito ay nagkabulo, tinawag naman namin itong “Matet”. Simula noon ay araw-araw namin itong ginagatasan. Kapag hindi naibebenta, ang gatas ay inuulam namin sa umaga,” aniya pa. “Dati ang konting kanin, asin at gatas ng kalabaw ay okay na. ‘Pag medyo sosyal ay may katambal na tuyo. Kasabay ng bagong saing na kanin, ibabahog namin ang gatas ng kalabaw habang kumakain ng tuyo. Kahit dito na kami naninirahan sa Maynila ay hindi maaaring hindi kami magpapaluwas ng gatas ng kalabaw mula sa probinsya. Sinasanay na rin namin ang aming mga anak sa pagkain nito,” dagdag pa niya. Tatak Novo Ecijano Nagsimula ang kanilang negosyo sa paggawa ng tinapay sa isang maliit na panaderya lamang sa Nueva Ecija na nakilala sa tawag na Tunying’s Kape, Tinapay, Atbp at kalaunan ay naging Tunying’s Bread. Ipinangalan ito sa kanyang yumaong ama na si Anthony Taberna, Sr. bilang pagpupugay dito. Ang bakeshop ay naging tampok na panaderya sa kanilang bayan. Higit na nakilala ito dahil sa kanilang mga sikat na produkto tulad ng chocolate crinkles at Spanish bread. Dahil na rin sa tumataas na demand ng Tunying’s bread ay nagdesisyon ang mag-asawang Anthony at Roselle Taberna na palaguin at iangat pa ang kanilang bakeshop business. Kabilang sa kanilang mga dinalang produkto na mula pa sa Nueva Ecija ay ang sikat na Bototay longanisa ng Cabanatuan na isa sa kanilang signature breakfast meal. Tampok din ang mga paboritong putahe ng pamilya tulad ng arroz caldo o KT’s Arroz a la Tunying na isa rin sa mga bestsellers. Matitikman din ang Pancit ni Nanay Benny at paboritong comfort food ng kanyang asawa na si Roselle, ang ukoy. Isa rin sa kanilang special offering tuwing weekend ay ang gatas ng kalabaw sa kanilang mga customers. Ito ay ang pagbabahog ng gatas ng kalabaw sa bagong lutong kanin na ipinauso sa kanilang restaurant. Ang sariwang gatas ay mula pa sa San Mariano, San Antonio, Nueva Ecija. Ang bagong kulektang gatas ng kalabaw ay isinasakay sa unang luwas ng bus pa-Maynila tuwing weekend at inaabangan na lamang ang pagdating nito sa Maynila. Dumami ang kanilang parukyano na nakagusto nito na kahit hindi weekend ay hinahanap-hanap na rin. “Noong umpisa ay naging okay naman kaya lang hindi siya naging sustainable dahil una ‘yong presyo, availability at iyong iba gusto weekdays kaya hindi nagtuluy-tuloy. Gayunpaman, ay gumawa kami ng ibang paraan para maisangkap sa ating mga produkto ang gatas ng kalabaw. Sa tulong ng aming research and development team ay pinag-aralan namin kung saan pa pwedeng gamitin ang gatas ng kalabaw,” sabi ni Ka Tunying. Gatas ng kalabaw cake Ang gatas ng kalabaw cake ay kabilang sa Ka Tunying’s cake creations na may Pinoy-style flavors na patok sa mga mamimili. “Dito sa Maynila, ang dami talagang may gusto ng gatas ng kalabaw kung kaya naman noong ipinakilala na namin ang gatas ng kalabaw cake ay talaga namang pumatok agad,” saad niya. “Ito ay pre-order lamang dahil na rin sa availability ng suplay ng gatas na advanced namin inoorder sa aming supplier. May isang pagkakataon na may nag-bulk order na 40 piraso ng gatas ng kalabaw cake. Nasabi ko na lang na ‘Naku! Kawawa ang kalabaw nito!’,” nagbibirong sabi ni Ka Tunying. Kasagsagan ng pandemya nang kanilang ilunsad ang produktong ito kung kaya’t malaking tulong din sa mga maggagatas na hirap makapagbenta noon ng aning gatas. Galing pa ang suplay nila ng gatas sa San Antonio, Nueva Ecija. Mga hamon, payo at plano sa pagnenegosyo “Apektado rin ang aming negosyo dahil sa pandemya pero unti-unti na tayong nakakabawi at naniniwala kami na malalagpasan din namin ang mga hamon na ito sa aming negosyo. Through product innovation and adapting our business operations to the current situation ay mas napagbuti pa nga namin ang aming pagnenegosyo,” ani Ka Tunying. “Nag-venture kami sa online selling, inumpisahan namin ang reseller program at ang retail sa ilang supermarket,” aniya. Ayon pa kay Ka Tunying, namuhunan na rin sila ng malaki sa personnel think-tank ng kumpanya para masiguro na de-kalidad at may mataas na standard ang mga produktong ihahandog nila sa mga kostumer. Ito’y habang sinasaliksik nila kung anong mga produkto pa ang papatok sa mga parukyano ng café. “Gusto ko na may iba pang produkto ang mapaggamitan namin ng gatas ng kalabaw hindi lang sa cake. Kung may anumang suhestyon ang DA-PCC tungkol sa aspetong ito ay malugod naming tatanggapin,” pagtatapos ni Ka Tunying.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.