Category: Carabao-Based Enterprise Development

Showing all posts with category Carabao-Based Enterprise Development

img

Isang Kalabaw, Isang Kuwento ng Tagumpay

Isang kalabaw lang ang puhunan ni Ariel Morales mula Sta. Rita, Pampanga nguni't sapat na ito para simulan ang magandang pagbabago sa kanyang buhay. Pinatunayan niyang hindi hadlang ang maliit na simula kung may tiyaga, tapang, at malasakit sa pamilya. Mula sa isang bote ng gatas, ngayon ay tahanan, edukasyon, at mas matatag na kinabukasan ang naibigay niya sa kanyang pamilya at lahat ay mula sa tulong ng kanyang mga alagang kalabaw.

img

Karabella: Negosyong Pinoy

Sa abalang lungsod ng Metro Manila kung saan maraming mga sikat na negosyo at produkto ang nagsisilabasan, isang natatanging kwento at panlasa ang naiiba — ang Karabella. Isa itong lokal na negosyong may layuning ipagmalaki ang lasang Pinoy gaya ng gatas at karne ng kalabaw sa buong mundo.

img

Payamang Pamayanan ng Buliran

Malamig ang simoy ng hangin na yumayakap sa kalikasan. Ang langit ay malinaw at mapayapa, habang ang Ilog Pampanga ay marahang umaagos, wari’y nakikisabay din sa katahimikan ng bagong araw. Kalauna’y, sunud-sunod na kalabaw ang dumating at nagsitampisaw sa malamig na tubig ng ilog.

img

'Abogado na ang anak ko!'

Walang mapagsidlan ang tuwa ni Rolly Mateo Sr. ng Asingan, Pangasinan, nang matanggap niya ang balitang natupad na ang pangarap ng kanyang anak na maging isang ganap na abogado. Puno ng pasasalamat ang kanyang puso sa gawaing nasumpungan niya na nagsilbing daan upang maisakatuparan ang kanilang mga mithiin—na noo’y inakala nilang mananatiling pangarap na lang.