Publication: Karbaw

Isang magasin na inilalathala ng Philippine Carabao Center (PCC), isang ahensiya sa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura, apat na beses sa isang taon. Layon ng Karbaw magasin na iparating sa mga mambabasa nito ang iba't ibang kwento ukol sa mga tao, pangyayari, at iba pa na may kinalaman sa umiigting at lumalagong industriya ng kalabaw sa bansa

img

Grasya sa OND Genesis Farm

Nag-uumapaw sa galak ang puso ni Ma. Dolores Olog, 63, isang madre na miyembro ng Oblates of Notre Dame (OND) na isang religious congregation ng mga Katoliko sa Cotabato City, sa mga nata-tanggap na biyaya. Para sa kanya, isang paraiso ng pagpapala ng Diyos ang pinangangasiwaang OND Genesis Farm na matatagpuan sa Barangay Saguing, Makilala, Cotabato.

img

Tagumpay sa paggawa ng tinapay

Baking, teaching at learning- yan ang tatlong pinakamahahalagang sangkap na taglay ni Lea Irish Salazar, 53, may-ari ng Baking Ma’am Food House, sa pagtataguyod ng kaniyang munting negosyo. Bagama’t nahirapan sa umpisa, pinagsumikapan niya itong palaguin at hindi natakot sumugal sa kabila ng pandemyang kinakaharap.

img

Maalab na pagkakalabawan sa Baclay

Tuluy-tuloy na biyaya ang inaani ng Baclay Multi-Purpose Cooperative (BMPC) sa Zamboanga del Sur buhat ng sumuong ito sa pagkakalabaw. Sa katunayan, napiling kabahagi ang BMPC sa ALAB-Karbawan project na isinusulong ng Department of Agriculture-Philippine Carabao Center (DA-PCC). Ito ay sa pakikipagtulungan sa mga pamahalaang panlalawigan ng mga napiling probinsya.

Showing 10 results of 200 — Page 6