Publication: Karbaw

Isang magasin na inilalathala ng Philippine Carabao Center (PCC), isang ahensiya sa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura, apat na beses sa isang taon. Layon ng Karbaw magasin na iparating sa mga mambabasa nito ang iba't ibang kwento ukol sa mga tao, pangyayari, at iba pa na may kinalaman sa umiigting at lumalagong industriya ng kalabaw sa bansa

img

Gatas at karne ng kalabaw, patok sa panlasang pinoy

Sadyang hilig na ng mga Pinoy ang kumain paminsan-minsan sa mga restaurants para tumikim ng bagong putahe at makaranas ng ibang “ambience” sa kainan. Kung kaya’t kahit saan ka man lumingon sa kahit saang lugar ay may kainan kang matatagpuan mula sa mga simpleng karinderya hanggang sa mga naglalakihang fastfood chains. Gayunpaman, hinahanap-hanap pa rin ng karamihan ang “lutong bahay” na mga putahe at serbisyo na parang nasa bahay lang ang pakiramdam at pag-aasikaso.

img

'Main Course' para sa nutrisyong wasto, kitang husto

Sa maraming okasyon na naghahain ng iba’t ibang pagkain gaya ng pampagana, pangunahing pagkain (main course) at panghimagas, ang bawa’t isang kabahagi ng okasyon ay pipili ayon sa kanilang mga nais na marahil ay batay sa kinasasabikang pagkain, ginustong lasa at maging ang kasalukuyang nararamdaman (mood). Gayunpaman, ang pangunahing pagkain na karaniwang pinakamasustansya sa bawa’t menu ang siyang agaw-pansin para sa nakararami.

Showing 10 results of 187 — Page 9