Publication: Karbaw

Isang magasin na inilalathala ng Philippine Carabao Center (PCC), isang ahensiya sa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura, apat na beses sa isang taon. Layon ng Karbaw magasin na iparating sa mga mambabasa nito ang iba't ibang kwento ukol sa mga tao, pangyayari, at iba pa na may kinalaman sa umiigting at lumalagong industriya ng kalabaw sa bansa

img

Sa Nueva Ecija, isang natatanging pagpapalaki ng kawan

Iyon, ang lugar na iyon sa Sitio Lomboy, San Jose City, ay isang lambak o mababang kalupaan sa pagitan ng dalawang bundok. Sa kaliwa, patungong norte, ay nakabalatay sa gilid ng bundok ang Maharlika Highway at sa kabilang gilid ay ang Digdig River. Sa pagbaba sa lambak, tatambad ang isang katangi-tanging bukid na gamit sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga gatasang kalabaw.

Showing 10 results of 200 — Page 15
SUBSCRIBE