Publication: Karbaw

Isang magasin na inilalathala ng Philippine Carabao Center (PCC), isang ahensiya sa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura, apat na beses sa isang taon. Layon ng Karbaw magasin na iparating sa mga mambabasa nito ang iba't ibang kwento ukol sa mga tao, pangyayari, at iba pa na may kinalaman sa umiigting at lumalagong industriya ng kalabaw sa bansa

img

'Abogado na ang anak ko!'

Walang mapagsidlan ang tuwa ni Rolly Mateo Sr. ng Asingan, Pangasinan, nang matanggap niya ang balitang natupad na ang pangarap ng kanyang anak na maging isang ganap na abogado. Puno ng pasasalamat ang kanyang puso sa gawaing nasumpungan niya na nagsilbing daan upang maisakatuparan ang kanilang mga mithiin—na noo’y inakala nilang mananatiling pangarap na lang.

img

Pangarap noon ni Tatay, adhikain ngayon ni bunso

Masipag. Matiyaga. Matulungin. Ganito inilarawan ni Michelle Jan Alonzo, 29, ang kanyang yumaong ama na si Anthony Alonzo, isang carapreneur na nangarap na dumami ang ginagatasang kalabaw at maging learning site ang kanilang farm. Ngayon, ang adhikain ni Michelle ay matupad ang pangarap ng kanyang ama sa kanilang kalabawan. Bunso sa tatlong magkakapatid, core memory ni Michelle ang laging pagsasama sa kanya ng kanyang ama sa bukid. Kahit nanggagaling pa sila noon sa Gapan, bitbit-bitbit ni Tatay Anthony si Michelle hanggang sa naging interesado siya sa pagkakalabawan at maging parte sa pagpapatakbo ng farm. "Naalala ko pa noon na nagsimula lang ako sa mga pagbisita sa ibang farm kasama ang aking ama. Noong mga panahong iyon, natutuwa na ako kapag may nakikita akong ginagatasan at pinapaliguan na kalabaw hanggang sa naging interesado ako sa kalabawan," kwento ni Michelle.

img

Carabao Health Caravan #TatakAlagangPCC

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, maraming a gitna ng COVID-19 aspeto ng buhay ang nagbago— isa na rito ang sektor ng agrikultura. Nakaapekto ito sa food supply chains dahil sa mga labor shortages at backlogs na sanhi ng mga restriksyon ng COVID-19. Hindi rin nakaligtas ang ekonomiya ng bansa, dahil bumaba ang purchasing power ng mga indibidwal, nagkaroon ng pagbagsak sa produksyon, benta at pagkalugi ng mga producers o suppliers. Maliban dito, nagkaroon din ng kakulangan sa mga serbisyong beterinaryo at pagsubaybay sa kalusugan at reproduksyon ng hayop.

Showing 10 results of 200 — Page 1